Monday, September 18, 2006

Mga Babae ni erap


Madami din pa lang na link dito kay Erap nung kapanahunan niya, kaya naman hindi nakakapagtaka na nagkaroon siya ng madaming anak sa iba't ibang babae. Lakas talaga ng kamandag nitong ating former president.

Isa sa pinaka kontrobersyal na na-ugnay sa kanya ay si Perla Bautista.....


Sikat na si Erap nang mapaugnay siya kay Perla Bautista. Kabilang sa pinagtambalan nila ang Markang Rehas, at dito'y sila ang nanalong Best Actor at Best Actress sa FAMAS. Madramang-madrama rin ang kanilang pagsasama sa labas ng pinilakang tabing. Naging laman pa sila ng front page nang madamay sila sa isang madugong insidente noong 1962.


Isinalaysay ni Quijano de Manila ang mga pangyayari sa kanyang artikulong "Gun Duel at LVN" na nasa aklat na Reportage on Crime.


Nasa isang cocktail lounge sina Erap at Perla. Kasama nila ang direktor na si Armando Garces at ang artistang si Boy Sta. Romana, isa sa teenage stars na lumabas sa Lo Waist Gang at sa maraming sequel nito. Si Boy ay kumpare ni Erap at madalas niyang kasa-kasama sa mga sabungan. "Joseph is an ardent sabungero", ani Quijano.


Nagalit si Erap nang makipag-usap si Perla sa ibang lalaki, isang negosyanteng taga-Quezon City, sa labas ng cocktail lounge. Sinunggaban niya ang dalaga at pinagsasampal ito. "Lasing ako," paliwanang ni Erap pagkatapos.



Nagtuloy sa LVN ang grupo. Sinundan ni Erap ang luhaang si Perla sa loob ng isang bodega at inamo-amo ito. Diumano, tatlong oras sila sa loob ng bodega. Wala silang kamalay-malay sa nangyayari sa labas.

Sumunod pala sa LVN ang lalaking kumausap kay Perla. May kasama na itong kabarkada at isang pulis. Si Sta. Romana ang natiyenpuhan nila sa compound ng LVN. Nagkainitan ang usapan, at dahil pare-parehong may dalang baril ay nag-draw, parang sa pelikulang koboy. May tama ang pulis at ang negosyante. Patay si Sta. Romana.

Nang lumabas sina Erap at Perla sa bodega, may naghihintay na mga pulis sa kanila. Ayon sa mga pulis, may nakuha silang baril sa glove compartment ng kotse ni Erap. Ayon kay Erap, ang may-ari ng baril ay isang kaibigan niyang nagngangalang Thelma Montinola Sian.
Dinala si Erap sa presinto. "Ang yabang-yabang niya habang kinukuwestiyon," sabi ng imbestigador. "Akala niya, siya pa rin si Asiong." Pinalabas si Erap kinabukasan, matapos magbayad ng piyansa.

(courtesy of pinoy times)

hindi ko akalain na meron palang naging ganitong klaseng sitwasyon noong araw. dahil ba sa insidenteng ito kung kaya sila naghiwalay? parang hindi ma imagine na naging si erap at si perla bautista, kung sabagy, ano nga ba naman ang alam ko noon. pero maling mali si erap nung pinagsasampal niya si Perla.

Isa pa sa na link kay Joseph Estrada ay walan iba kundi ang nag iisang superstar Nora Aunor

Marami ang hindi makapaniwala nang mapaugnay si Nora kay Erap noong 1970s. Pero maraming taga-showbiz ang tumetestigo na nagkaroon nga ng mainit na relasyon ang dalawa matapos silang magkasama sa pelikulang Erap is my Guy.

Umugong pa ang usap-usapan na ginulpi ni Erap si Rudy Fernandez nang dumiskarte itong huli kay Nora. Hindi pa sikat noon si Rudy, na pamangkin ng unang naanakan ni Erap na si Peachy Osorio.

(courtesy of pinoy times)

May pagka possessive pala itong si Joseph Estrada. Paano kaya nito naapektuhan ang career ni Ate Guy?

Ang ilan sa na link din kay erap ay sina Elizabeth Oropesa at Didith Reyes........

1 Comments:

Blogger Citizen of the World said...

Bakit wala ng followup stories dito? Sayang. :-(

10:30 AM  

Post a Comment

<< Home