TSISMIS NOON

Friday, January 26, 2007

Anak nga ba ni Robin Padilla?

Marahil ay maraming mga Pilipino ang nakakaalala ng pelikulang BAGETS noong 80s na pinag bidahan nina Aga Muhlach, William Martinez at marami pang iba. Pero kilala niyo ba si Jobelle Salvador na ka-loveteam ni Herbert Bautista sa tinaguriang pelikula?


Matapos ang BAGETS, madalas makita ang mukha ni Jobelle sa iba't ibang TV shows at ilang pelikula sa Pilipinas. Nag live in sila ni Robin noong 90s at balitang nag bunga ang kanilang pagmamahalan. Umalis ng bansa si Jobelle papuntang Japan. Doon siya ay nanganak. Matagal naniwala ang mga tao na ang isinilang na bata ay anak ni Jobelle kay Robin at ito ay inamin din ni Robin. ngunit noong 2002, isang broadcaster na nagngangalang Erik Espina ang pumasok sa eksena.

Siya daw ang ama ng anak ni Jobelle. Nagpadala siya ng ilang "ebidensiya" sa writer na si Ricky Lo. Ilan sa mga ebidensiya ay ang DNA test at sulat ni Jobelle kay Erik na pagamin na siya ang ama ng batang tinutukoy.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sigurado kung ano talaga ang totoo. Kung anak ni Erik Espina ang bata, bakit pinaniwala ni Jobelle ang lahat ng tao na si Robin ang ama? Kawawa naman ang bata.

Isang paalala

Pasensiya na po kayo sa aking hindi pag update ng blog na ito. Medyo naging abala po ako at nagiisip ng mga pwedeng talakayin. Kung meron po kayong alam na mga tsismis dati at nais ninyong pagusapan o i-research ko, mag post lang po kayo ng mga comments. Slamat sa pag suporta sa blog na ito.

Monday, September 18, 2006

Mga Babae ni erap


Madami din pa lang na link dito kay Erap nung kapanahunan niya, kaya naman hindi nakakapagtaka na nagkaroon siya ng madaming anak sa iba't ibang babae. Lakas talaga ng kamandag nitong ating former president.

Isa sa pinaka kontrobersyal na na-ugnay sa kanya ay si Perla Bautista.....


Sikat na si Erap nang mapaugnay siya kay Perla Bautista. Kabilang sa pinagtambalan nila ang Markang Rehas, at dito'y sila ang nanalong Best Actor at Best Actress sa FAMAS. Madramang-madrama rin ang kanilang pagsasama sa labas ng pinilakang tabing. Naging laman pa sila ng front page nang madamay sila sa isang madugong insidente noong 1962.


Isinalaysay ni Quijano de Manila ang mga pangyayari sa kanyang artikulong "Gun Duel at LVN" na nasa aklat na Reportage on Crime.


Nasa isang cocktail lounge sina Erap at Perla. Kasama nila ang direktor na si Armando Garces at ang artistang si Boy Sta. Romana, isa sa teenage stars na lumabas sa Lo Waist Gang at sa maraming sequel nito. Si Boy ay kumpare ni Erap at madalas niyang kasa-kasama sa mga sabungan. "Joseph is an ardent sabungero", ani Quijano.


Nagalit si Erap nang makipag-usap si Perla sa ibang lalaki, isang negosyanteng taga-Quezon City, sa labas ng cocktail lounge. Sinunggaban niya ang dalaga at pinagsasampal ito. "Lasing ako," paliwanang ni Erap pagkatapos.



Nagtuloy sa LVN ang grupo. Sinundan ni Erap ang luhaang si Perla sa loob ng isang bodega at inamo-amo ito. Diumano, tatlong oras sila sa loob ng bodega. Wala silang kamalay-malay sa nangyayari sa labas.

Sumunod pala sa LVN ang lalaking kumausap kay Perla. May kasama na itong kabarkada at isang pulis. Si Sta. Romana ang natiyenpuhan nila sa compound ng LVN. Nagkainitan ang usapan, at dahil pare-parehong may dalang baril ay nag-draw, parang sa pelikulang koboy. May tama ang pulis at ang negosyante. Patay si Sta. Romana.

Nang lumabas sina Erap at Perla sa bodega, may naghihintay na mga pulis sa kanila. Ayon sa mga pulis, may nakuha silang baril sa glove compartment ng kotse ni Erap. Ayon kay Erap, ang may-ari ng baril ay isang kaibigan niyang nagngangalang Thelma Montinola Sian.
Dinala si Erap sa presinto. "Ang yabang-yabang niya habang kinukuwestiyon," sabi ng imbestigador. "Akala niya, siya pa rin si Asiong." Pinalabas si Erap kinabukasan, matapos magbayad ng piyansa.

(courtesy of pinoy times)

hindi ko akalain na meron palang naging ganitong klaseng sitwasyon noong araw. dahil ba sa insidenteng ito kung kaya sila naghiwalay? parang hindi ma imagine na naging si erap at si perla bautista, kung sabagy, ano nga ba naman ang alam ko noon. pero maling mali si erap nung pinagsasampal niya si Perla.

Isa pa sa na link kay Joseph Estrada ay walan iba kundi ang nag iisang superstar Nora Aunor

Marami ang hindi makapaniwala nang mapaugnay si Nora kay Erap noong 1970s. Pero maraming taga-showbiz ang tumetestigo na nagkaroon nga ng mainit na relasyon ang dalawa matapos silang magkasama sa pelikulang Erap is my Guy.

Umugong pa ang usap-usapan na ginulpi ni Erap si Rudy Fernandez nang dumiskarte itong huli kay Nora. Hindi pa sikat noon si Rudy, na pamangkin ng unang naanakan ni Erap na si Peachy Osorio.

(courtesy of pinoy times)

May pagka possessive pala itong si Joseph Estrada. Paano kaya nito naapektuhan ang career ni Ate Guy?

Ang ilan sa na link din kay erap ay sina Elizabeth Oropesa at Didith Reyes........

Sunday, September 17, 2006

Alfie Anido



Una ko siyang napanood sa pelikulang Katorse kasama nina Dina Bonnevie at Gabby Concepcion nong ako ay 6-7 yrs old pa. Akala ko noon ay siya si Albert Martinez. Pero napanood ko uli siya sa pelikulang Waikiki, Temptation Island, Blue Jeans at Katorse noong isang buwan sa Cinema One (ako ay 22 yrs old na ngayon) at doon ko nalaman na ang pangalan pala niya ay Alfie Anido. Kapansinpansin talaga siya dahil sa kanyang tangkad, gwapong mukha at sa kanyang prince charming na dating.


Ni-research ko kaagad siya sa internet itong mestizong aktor kaso wala masyadong websites tungkol sa kanya. Yung mga websites naman na tungkol sa kanya ay iisa lang ang sinasabi......

"Namatay siya noong 1981 sa edad na 22."



Nadismaya ako sa nabasa kong ito. Nanghinayang ako hindi lang dahil gwapo siya kundi dahil sa kanyang charisma and acting ability. Kung nabubuhay siguro siya ngayon ay ka level niya sina Richard o Aga. Sayang talaga. He also reminded me of a Rico Yan dahil sa parehong insidente at kanilang pagka galing mag English. Pati na rin ang mga haka hakang sila ay nagpakamatay.


Nalaman ko rin na siya ay boyfriend noon ni Dina na nakasama niya sa Temptation Island, Blue Jeans at Katorse. Nagkakilala ang dalawa sa photo shoot at na love at first sight silang dalawa. Isa daw sa naging kontrobersyal na tandem ang relasyon nila. Naghiwalay din sila at na link naman si Alfie sa anak na babae ni Juan Ponce Enrile.

Si Albert Anido na nakapareha ni Nadia Montenegro sa pelikulang Tender Age at kasama rin sa pelikulang When I Fall In Love noong 1986 ay nakakabatang kapatid ni Alfie.

Sabi nila, nagpakamatay daw si Alfie noon mismong bday nito. Sabi naman ng iba ay siya ay pinatay. Hindi pa rin ngayon matiyak ang tunay na pagkamatay nito.


Mga tanong:
-Ano ba talaga ang katotohanan sa kamatayan ni Alfie?
~Kung nagpakamatay siya anong dahilan? naka drugs ba siya o malaki ang problema?
~Kung siya naman ay pinaslang, sino naman ang pumatay sa kanya at sa anong dahilan?

-Gaano ka kontobersyal ang relasyon at bakit sila naghiwalay ni Dina Bonnevie? Ano naman ang naging reaksyon ni Dina sa pagkamatay ni Alfie?
-Sinong anak ni Juan Poce Enrile ang nakarelasyon nito?
-Nabanggit ko dito si Albert Anido, nasaan na kaya siya ngayon at ano ang nangyari sa kanyang career dati?

*Kung meron kayong baong tsismis o mga litrato, i-share niyo naman... salamat.

Ito ang isa sa aking nasagap: (courtesy of funeralwire.com)

"Since your eyes have closed, ours have never ceased to weep." These words are written on the niche of matinee idol Alfonso "Alfie" Anido, who died on his birthday, Dec. 30, 1981. He was only 22.
Anido's white tomb has a white cross on top and is at the Garden of Eternal Grace at the far end of the memorial park.

Weblink: Wikipedia

Tagalog Wikipedia

Imdb

Unang Blog

ako ay isang tao na medyo obsess sa mga tsismis noong araw... tulad ng panahon nina nida blanca, nung bagets days nina aga muhlach, hanggang sa mga tsismis noong that's entertainment days nina romnick sarmienta.

Palagi akong naghahanap ng mga websites tungkol sa mga artista noon, pero madalas din akong mabigo. kaya nagdesisyon akong gumawa ng blog tungkol sa aking mga katanungan at kaalaman samga gnitong bagay. Sana ay may matutuhan kayo dito at matulungan niyo din akong mangolekta o sumagap ng iba't ibang tsismis. Sabay natin itaguyod ang karunungang pinoy!